Tuluy-tuloy ang pagkilos ng gobyerno ng ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao para tulungan ang mga mamamayang apektado ng pagsasara ng Sabah border.
Ayon kay ARMM Regional Executive Secretary Laisa Alamia, apektado ng pagpapasara ng Malaysia sa Sabah border ay ang mga lalawigan ng Tawi-Tawi, Sulu, Basilan at maging ang mga taga-Zamboanga City.
Sinabi ni alamia na linggo-linggo sila kung magsagawa ng price monitoring sa mga pangunahing bilihin partikular na sa bigas at asukal sa rehiyon.
Ito ay dahil sa dumoble na ang presyo ng kada sako ng bigas sa Sulu, Basilan at Tawi-Tawi na kasalukuyang nasa P1,200 na magmula nang ipasara ang border ng Sabah.
Matatandaang ipinasara ng Malaysia ang border na nag-uugnay sa Tawi-Tawi at Sabah upang maiwasan na ang pagpasok ng mga bandidong gaya ng Abu Sayyaf na responsible pagdukot sa ilan nilang mamamayan.
By Ralph Obina