Nagtatayo na ng tent city ang ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanaopara sa mga evacuees mula sa Marawi City.
Ipinabatid ni ARMM Governor Mujiv Hataman na nais nilang mabawasan ang siksikan sa mga evacuation center at maiwasan din ang posibilidad nang pagkalat ng mga sakit dulot ng congestion sa nasabing lugar.
Sinabi ni Hataman na posibleng wala nang balikang bahay ang marami sa mahigit dalawandaang libong (200,000) apektadong pamilya sa Marawi City lalo na’t patuloy pa ang bakbakan ng mga sundalo at Maute Group.
Plano aniya nilang itayo ang tent city sa pagitan ng Marawi at bayan ng Saguiaran sa Lanao del Sur para tirhan ng evacuees.
By Judith Estrada – Larino