Nakatakdang bisitahin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang police headquarters sa ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao sa bayan ng Parang sa Maguindanao.
Pangungunahan ni Pangulong Duterte ang closed-door meeting, kasama ang senior officers ng ARMM Police na isasagawa sa Camp SK Pendatun.
Kaugnay nito, nagpakalat na ang 6th Infantry Division ng Philippine Army at Police Regional Office-ARMM ng mga pulis at sundalo sa paligid ng Camp SK Pendatun bilang bahagi ng seguridad sa pagdating doon ng Pangulo.
By Meann Tanbio
ARMM police headquarters bibisitahin ni Pangulong Duterte ngayong araw was last modified: May 5th, 2017 by DWIZ 882