Matapos makakuha ng 6.5 bilyong investments noong 2015, umaasa ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na dadami pa ang mga maglalagak ng puhunan sa rehiyon.
Ayon kay Atty. Ishak Mastura, Chairperson ng Regional Board of Investments ng ARMM, target nilang makapag-generate ng tinatayang 900 milyong halaga ng investments at 900 bagong trabaho ngayong taon.
Giit ni Mastura, umaasa silang maaaprubahan ngayong buwan ng enero ang P1.3 billion peso oil palm plantation sa Maguindanao.
Sakaling maisakatuparan ito, sa unang quarter pa lamang ng taon ay maaabot na nila ang kanilang investment target.
By Jelbert Perdez