Nakatakdang i-decongest o ilipat ng selda ang mahigit 400 preso sa Quezon City Jail matapos mapasok ang selda ng mga ito.
Kasunod ito nang naganap na staged jail riot noong Biyernes.
Sa ginawang operasyon ng mga tauhan ng QC Jail sa male dormitory, giniba ng mga ito ang pader at konkretong flooring ng mga selda kung saan nadiskubre ang isang armory.
Tumambad sa mga otoridad ang isang 38 kalibre ng baril, 700 gramo ng marijuana brick, 24 na piraso ng marijuana sachets at paraphernalia, halos 100 piraso ng tabako, mga patalim, ice pick, pana at mga bala at limang celfon.
Sinasabing ilang buwang nagsagawa ng surveillance at covert operation ang mga otoridad sa loob ng nasabing bilangguan bago ikinasa ang aktuwal na operasyon.