Umakyat na sa tatlo ang bilang ng nasawi sa insidente ng pamamaril sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng PMA matapos na masawi na rin ang ikatlong sundalo na unang napaulat na nasugatan sa insidente.
Batay sa ulat, nag-amok at bigla na lamang namaril sa loob ng kanilang barracks ang suspek na isang airman second class noong Martes.
Agad nitong napatay ang kasamahang sundalo na miyembro ng Army habang naisugod pa sa PMA station ospital ang suspek bago ito binawian ng buhay noong Miyerkules.