Nagsimula na sa kanyang trabaho sa gobyerno ang singer comedian na si Arnel Ignacio.
Ito ay matapos siyang maitalaga bilang AVP for Community Relation and Services Department ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ni President Rodrigo Duterte
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Arneli na hindi magsisi si Pangulong Duterte sa pagkakapili sa kanya dahil susuklian niya ito ng dedikasyon at buong puso sa pagtatrabaho.
Binigyang diin pa ni Arnel na hindi lamang paglalaro ang PAGCOR dahil sa kanila aniyang ilalapit ang PAGCOR sa lahat ng mga nangangailangan.
Partikular aniyang tututukan ng kanyang tanggapan ang pagpapatayo ng mga silid aralan, feeding program at pagpapabuti sa serbisyong pangkalusugan sa bansa.
Si Arnel ay isa sa mga hayagang nangangampanya nuong panahon ng eleksyon para kay Pangulong Duterte.
By: Ralph Obina