Nagsalita na si Arnel Ignacio hinggil sa kanyang pagbibitiw sa puwesto bilang Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.
Ayon kay Ignacio, mas kailangan niya ngayon ng oras para sa kanyang pamilya lalo na ngayong lumalaban sa stage 4 prostate cancer ang kanyang ama.
Binanggit din niya ang kawalang-kakayahan nitong tulungan ang kanyang pamilya dahil sa maliit na sahod nito bilang opisyal ng gobyerno.
Samantala, sinabi ni Ignacio na magbabalik-loob siya sa kanyang dating trabaho bilang isang television host makaraang tanggihan niya ang kaliwa’t kanang offers sa kanya upang gampanan ang kanyang posisyon sa OWWA.
Posible rin anyang tanggapin niya ang alok bilang spokespeson ng Juan Movement Partylist.
Magugunitang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ignacio bilang Deputy Executive Director V ng OWWA noong Enero ng nakaraang taon.
—-