Inilipat sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang TV personality na si Arnell Ignacio.
Pinirmihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment paper ni Ignacio nitong Martes, Enero 23.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas pinili ito ni Ignacio dahil gusto nitong makatulong sa Overseas Filipino Workers (OFW’s).
Una nang itinalaga si Ignacio bilang Assistant Vice President for Community Relation and Services Department ng PAGCOR noong taong 2016.
Kilala din si Ignacio bilang tagasuporta ni Pangulong Duterte noong 2016 Elections.