Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang TV host-comedian na si Arnell Ignacio bilang bagong Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator.
Si Ignacio ang papalit kay outgoing OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, at sa ngayon ay wala pang inaanunsyo kung sino ang papalit kay Ignacio bilang OWWA Deputy Administrator.
Bago ito ay nagsilbi rin si Ignacio sa OWWA sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.