Matapang na inihayag ni Hollywood actor at dating California Governor Arnold Schwarzenegger na pinapainan ng maling impormasyon ni Russian President Vladimir Putin at iba pang Russian leader ang kanilang mga residente tungkol sa ginawa nitong pag-atake sa Ukraine.
Sa nine-minute video na inilabas Schwarzenegger sa twitter, sinabi nitong hindi Ukraine, nationalists o Nazis ang nagpasimula ng gulo.
Aniya, ginagawa lamang ng mga Russian leader ang mga kasinungalingang ito para i-denazify ang Ukraine.
Paliwanag ng aktor, marami kasing Russian ang hindi nakakaalam ng totoong nangyayari sa labas ng kanilang bansa matapos putulin ng Kremlin ang access ng mga ito sa mga media channel at website.
Pinapurihan din niya ang Russian protesters na tumututol sa ginawang aksyon ng kanilang mga pinuno.
Samantala, nanawagan si Schwarzenegger kay Putin na itigil na ang ginagawang pag-atake nito sa Ukraine. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles