Ipinagpaliban ng korte ang arraignment ng tatlong akusado sa mga umano’y ghost dialysis scam sa Philhealth.
Ito ay bunsod ng nakabinbin pang mosyon na inihain nina Edwin Roberto at Liezel Santos De Leon, mga dating empleyado ng Wellmed Dialysis Center na nagbunyag sa anomalya at dalawa sa tatlong akusado.
Ayon kay Atty. Harry Roque, abogado nina Roberto at De Leon, hinihiling ng kanyang mga kliyente na makalaya mula sa pagkakakulong sa city jail matapos na sila’y matanggap sa provisional coverage ng witness protection program.
Hiniling din aniya ng kanyang mga kliyente na maibasura ang kasong isinampa laban sa kanila.
Samantala sinabi ni Roque na naghain din ng motion to quash ang isa pang akusado sa kaso at may-ari ng Wellmed Dialysis Center na si Bryan Sy.
Kasunod nito, muling itinakda ng korte sa July 12 ang arraignment nina Sy, Roberto at De Leon para sa kinahaharap na kasong Estafa at falsification of official documents dahil sa patuloy na pagkubra ng bayad mula sa Philhealth kahit patay na ang mga pasyente.