Itinakda na ng Korte sa Pampanga ang mga petsa ng arraignment ni actor Mark Anthony Fernandez sa dalawang kasong kinakaharap nito
Kasunod ito nang pag suspindi sa unang itinakdang arraignment kay Fernandez matapos mahulihan ng isang kilo ng Marijuana sa isang checkpoint sa Angeles City, Pampanga
October 24 itinakda ng korte ang pagbasa ng sakdal kay Fernadez sa umanoy paglabag nito sa comprehensive dangerous drugs act
Samantala November 17 naman ang arraignment kay Fernandez sa pagtakas nito at hindi pagsunod sa checkpoint
Una nang ibinasura ng Angeles City RTC branch 60 ang kasong drug use at possession of drug paraphernalia ni Fernandez na una nang nag positibo sa Marijuana subalit negatibo sa shabu
By: Judith Larino