Muling ipinagpaliban ang pagbasa ng sakdal kay Senadora Leila De Lima sa kaso nito kaugnay sa iligal na droga.
Ito ay matapos ipag-utos ni Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205 Judge Amelia Fabros – Corpuz sa prosecution na magsumite ng komento hinggil sa motion for legislative furlough at motion to quash na inihain ni De Lima.
Dahil dito, muling itinakda ni Fabros-Corpuz sa Nobyembre 24 ang arraignment ni De Lima.
Samantala, dumagsa naman ang mga supporters ni De Lima sa Muntinlupa RTC kaninang umaga para palakasin ang loob ng senadora.
Si De Lima ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 dahil sa sinasabing paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison o NBP noong siya’y Justice Secretary pa.