Pinagpaliban ng Pasay City Metropolitan Trial Court o MTC ang nakatakda sanang arraignment ni Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay ng kinakaharap nitong kasong grave threat.
Sa halip, muling itinakda ang pagdinig sa Marso 29 makaraang humirit ang panig ng depensa na huwag munang basahan ng sakdal ang senador dahil sa isang usapin na hindi pa nareresolba ng korte.
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Labor Undersecretary Jacinto “Jing” Paras makaraang magbanta umano si Trillanes noong May 29, 2018 na papatayin nito ang complainant.
Ayon kay Defense Counsel, Atty. Rey Robles, hindi pa nadedesisyunan ang kanilang motion for reconsideration na kumukuwestiyon sa pagkakasampa ng kaso sa hukuman na naging dahilan upang hindi matuloy ang arraignment.