Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang arraignment nina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating PNP Chief, Dir. Gen. Alan Purisima at dating PNP-Special Action Force Commander, Dir. Getulio Napeñas kaugnay sa kaso ng Mamasapano Massacre.
Ito’y makaraang maglabas ang Supreme Court ng Temporary Restraining Order sa kaso batay sa hiling ng Office of the Solicitor General.
Magugunitang hinimok ng Solgen ang S.C. na magsampa ng mas mabigat na kasong multiple homicide laban kina Aquino, Purisima at Napeñas.
Una ng sinupalpal ng mga petitioner si Ombudsman Conchita Carpio Morales dahil sa pagbasura nito sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide laban sa tatlo nang ihain ng kanyang tanggapan ang kaso sa Sandiganbayan.
Posted by: Robert Eugenio