Ipinagpaliban ng korte ngayong araw na ito ang arraignment kay Rappler CEO Maria Ressa sa kasong cyber libel.
Sa halip, itinakda ni Manila RTC Judge Rainelda Estacio Montesa sa April 12 ang pagbasa ng sakdal kay Ressa.
Nais munang desisyunan ng korte ang inihaing motion to quash ng kampo ni Ressa bago ito isalang sa arraignment.