Itinakda na ng Sandiganbayan sa June 20 ang arraignment sa kasong graft laban kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima at iba pa kaugnay sa umano’y anomalya sa Werfast Courier Services.
Bukod kay Purisima, kasama rin sa babasahan ng sakdal ang mga dating PNP officials na sina Gil Meneses, Alan Perenio, Melchor Reyes, Mario Juan at Raoul Petrasanta.
Nabatid na hindi pa nagpapiyansa si Philrem President Salud Bautista kayat hindi pa ito mababasahan ng sakdal subalit posibleng arestuhin na anumang oras.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)