Pinaigting pa ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang monitoring para sa pagtugis ng 300 personalidad na nasa arrest order na ipinalabas ng Department of National Defense.
Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Deputy Chief Brig/Gen. Gilbert Gapay, ang mga nasabing personalidad ay may kasong rebelyon dahil sa paghahasik ng kaguluhan sa Marawi City.
Aniya, kanilang inaasahan na mas marami pa silang maaaresto.
Kasunod nito ay nakapagtalaga na ang AFP ng nasa 10,000 checkpoints sa Eastern mindanao at mahigit 3,000 informant networks para makakuha ng impormasyon laban sa mga terorista.
By: Krista De Dios