Naglabas na ng arrest warrant ang Angeles City Regional Trial Court laban kay SPO3 Ricky Sta. Isabel na pangunahing akusado sa pagdukot at pagpatay sa koreanong si Jee Ick Joo.
Kaninang umaga, pormal na naisampa ng Department of Justice sa korte ang kaso laban kina Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas at apat (4) na iba pang respondent.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, mayroon ng kopya ng arrest warrant ang PNP o Philippine National Police.
Sinabi ni Aguirre na sa oras na maiturn-over na ng PNP sa National Bureau of Investigation si sta. Isabel, ang PNP ang magpo-proseso ng return of the warrant mula sa hukuman na nag-isyu nito.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo