Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang inisyung arrest warrant nuong isang taon laban kay Atty. Jude Sabio.
Dahil dito, inatasan ng appellate court ang Trece Martires Regional Trial Court (RTC) Branch 23 na i-lift sa loob ng limang araw ang warrant of arrest na inisyu nuong March 7, 2018 at ang alias arrest warrant na inisyu April 6, 2018 laban kay Sabio.
Kinontra ng CA ang desisyon ni dating Trece Martires judge ngayo’y CA Associate Justice Emily Alinio Geluz na ipaaresto si Sabio dahil walang otoridad ang hukom na ipakulong ang abogado dahil lamang sa hindi pagsunod sa Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) para sa mga abogado.
Nilinaw ng CA na ang hindi pagsunod ng isang abogado sa MCLE ay magreresulta sa pagiging IBP deliquent member nito at hindi pagtatakda ng multa at pagkakakulong.
Ang arrest warrant ay inisyu ni Geluz matapos mabigo si Sabio na magbayad ng P2,000 na multa niya matapos mag expire ang MCLE compliance certificate.