Idudulog sa Korte ng negosyanteng si Rose Nono Lin ang utos na pag-aresto sa kanya ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa hindi niya pagdalo sa dalawang magkasunod na pagdinig sa multi-billion deal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation at ng Department of Budget and Management.
Magugunita na si Lin ay stockholder sa nagsara nang Pharmally Biological Pharmaceutical Company, na ayon sa komite ay may kaugnayan sa PPC, ang kompanyang nakakuha ng pinakamalaking bahagi ng umano’y maanomalyang multi-billion na kontrata para sa supply ng mga kagamitan laban sa Covid-19.
Ayon sa abogado ni Lin na si Atty. Alma Malongga, walang ebidensya na magpapatunay na may kaugnayan ang PBPC sa PPC kahit pa lumabas sa imbestigasyon na may isang nagngangalang Huang Tzu Yen na tumatayong direktor sa parehong kumpanya.
Samantala, tiniyak ni Mallonga ang patuloy na kooperasyon ng kanyang kliyente sa Senado. –Sa panulat ni Mara Valle