Pinawalang bisa ng Court of Appeals (CA) ang arrest warrant na inisyu nuong November 2019 laban sa nakakulong na aktibistang si Reina Mae Nasino at dalawang iba pang kasamahan nito.
Kasunod na rin ito nang pagpabor ng Appellate Court sa Petition for Certiorari na isinampa ni Nasino, Ram Carlo Bautista at Alma Moran laban kay Manila RTC Judge Marivic Balisi-Umali at ibinasura ang search warrants na inilabas ni QC RTC Judge Cecilyn Burgos-Villavert.
Ayon sa CA, nakagawa ng Grave Abuse of Discretion si Balisi-Umali nang pabiran ang validity ng search warrants na naka-address sa tatlong magkakaibang lugar.
Binigyang diin pa ng Appellate Court na walang probable cause na pinagbasehan ang pag i isyu ng search warrants.
Magugunitang nanganak si Nasino habang nakakulong subalit namatay din si Baby River makalipas ang tatlong buwan o October 2020 nang ma diagnose ito ng pneumonia.