Isasailalim sa rehabilitasyon ang Arroceros Park, ang nag iisa at natitirang forested area sa kalakhang Manila.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, hindi puputulin ang mga puno sa naturang parke taliwas sa naunang plano ng nakalipas na administrasyon.
Plano ng alkalde na isara ang kalsada sa kanto ng Quezon Footbridge para may dagdag na espasyo na lalagyan ng mga halaman.
Nais rin ni Moreno na ipagiba ang mga gate ng Arroceros Park para gawin itong open park para sa publiko.
Una nang tinutulan ng mga environmental group ang pagpuputol ng mga puno sa 2.2 ektaryang parke para pagtayuan ng gymnasium.