Nanawagan si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilisan ang implementasyon ng mga polisiya para maibsan ang pagsipa ng inflation.
Ayon kay Arroyo, nangyari na sa kanyang termino ang pagtaas ng inflation ngunit naibaba rin ito sa 1.5 percent.
Dahil dito naniniwala ang dating pangulo na magagawa rin ito ng administrasyong Duterte.
Kasabay nito, ipinanukala ni Arroyo na dapat dagdagan ang budget ng Department of Agriculture (DA) para makatugon sa epekto ng mataas na inflation.
(with report from Jill Resontoc)
Budget ng Dept.of Agriculture pinadagdagan ni Speaker Arroyo ng P20B. para malutas tumaas na naman na inflation rate @dwiz882 pic.twitter.com/OYMl6EjtXZ
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) October 5, 2018