Dinapuan ng COVID-19 ang pinuno ng archdiocese ng San Fernando, Pampanga na si archbishop Florentino Lavarias.
Sa isang circular letter, nilinaw naman nina Pampanga Archdiocese Vicar General Rev. Fr. Francis Dizon at Chancellor Fr. Danny Nacpil na stable na ang kondisyon ng 64 taong gulang na arsobispo.
Sinasabing alam na rin ng mga nakasalamuha ni Lavarias ang kalagayan ng nasabing opisyal ng simbahan.
Humihingi rin ng panalangin sa publiko ang archdiocese para sa agarang paggaling ni Lavarias.