Ikinasa ng SM group ang art exhibits sa tatlong Supermalls nito bilang suporta sa kahalagahan ng nature preservation.
Inilunsad ng SM City Cebu, SM City Consolacion at SM Center Ormc ang Beyond Green: Where art Meets Sustainability Exhibit kung saan tampok ang local artists na tagumpay sa pagko-convert ng mga basura nila bilang masterpieces.
Makikita sa SM City Cebu ang masterpiece nina landscape architect at kilalang Gardener at Plant Collector na si Jaime Chua at Driftwood Sculptor James Doran-Webb sa display ng mga ibon tulad ng Philippine cockatoo, swan, eagle, roosters, owls, ang sariling fruit bat ng Pilipinas at kalaw na pawang gawa sa kahoy bilang pagpapakita ng kagandahan ng kalikasan.
Nakipagsanib puwersa naman ang SM City Consolacion sa Seed4com, isa sa local organizations na nagpasimula ng sustainability sa Pilipinas para ipakita sa publiko ang mga masterpiece mula sa eco artists at National Clean Up Ambassadfort na si Pedro Angco, Jr. katuwang naman ang community partner nitong Caohagan Women.
Ipinagmamalaki ni Angco ang art pieces niyang gawa sa mga patapong tsinelas na goma na kanyang nakolekta sa isa sa kanyang ocean cleanups activities.
Ipinakita naman ng Caohagan Women quilts ang hand stitched quilts o mats na gawa mismo ng mga residente ng Caohagan island kung saan 1996 pa ito sinimulang gawin ng mga residente sa tulong ni dating Mcgraw Hill Incorporated Japan President Katsuhiko Sakiyama at Designer na si Junko Sakiyama.
Samantala, mabubusog naman ang mata ng mallgoers sa SM Center Ormoc sa masisilayang masterpiece ng mga estudyante ng New Ormoc City National High School Special Program in the arts kung saan ikinonvert sa mixed media artwork ang mga basura na unang pagtatangka ng mga mag a aral na bumuo ng mixed media art.
Bilang responsableng miyembro ng komunidad hindi bibitiw ang SM Group sa pagpapatupad ng mga programa at akbitidad na makakatulong at makapagbibigay ng inspirasyon sa mga pilipino sa pagbibigay halaga sa kalikasan.
Una na ring ikinakasa ng sm supermalls ang buwanang trash to cash program, electronic waste collection program at plastic waste collection program katuwang ang plastic credit exhcange.