Naglabas ng Show Cause Order ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) laban sa dalawang barangay chairman ng Quezon City.
Ito’y matapos ang pagpapatupad ng “no vaccination, no quarantine pass policy” sa lungsod.
Ipinabatid ng ARTA na pinagbabawalan aniya ng dalawang kapitan ang mga residente na kumuha ng quarantine pass nang walang vaccination card taliwas sa memorandum na ibinigay ni Mayor Joy Belmonte.
Inisyuhan rin ng Show Cause Order sina Barangay Quirino 2B Chairman Ritchie Poblacion at Barangay Central Chairman Rosa Magpayo.
Samantala, binigyan sila ng pitong araw na magpaliwanag kung bakit hindi dapat sila sampahan ng kaso.
Nagbabala ang ARTA sa dalawang barangay chairman na kakasuhan sila ng paglabag sa “ease of doing business law” kung mabibigong sumagot sa Show Cause Order.