Planong imbestigahan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Philippine Statistics Authority (PSA) dahil sa mabagal na pagproseso nito ng mga National Identification Card.
Kasunod ito ng reklamo ng publiko na mahigit isang taon ng naghihintay na matanggap ang kanilang National ID.
Ayon kay ARTA Secretary Ernesto Perez, dapat nang simulan ng PSA ang roll-out ng mga National ID at masolusyonan ang matagal nang problema ng mga Pinoy.
Iginiit ni Perez, na hindi sila magdadalawang isip na ipatawag ang PSA at imbestigahanang pagproseso ng mga dokumento maging sa iba pang ahensya ng gobyerno.
Bukod pa dito, mandato rin ng ARTA na panagutin ang sinumang opisyal na gumagawa ng red tape sa bansa.
Sa ngayon, nakikipagtulungan na ang DICT sa PSA para ma-fast track ang pag-isyu ng National ID.