Nanumpa na ang mga senador ng Estados Unidos bilang mga miyembro ng impeachment court na pangungunahan naman ni U.S. Supreme Court Chief Justice John Roberts.
Kasunod ito ng pagtanggap nila sa articles of impeachment laban kay U.S. President Donald Trump mula sa House of Representatives.
Bago nanumpa si Roberts at ang mga senador ay ipinabasa muna sa mga U.S. congressmen na magsisilbing taga-usig ang mga paratang laban kay Trump na pang-aabuso sa kapangyarihan at obstruction of congress.
Sinasabing posibleng tumagal lamang ng dalawang linggo ang pagdinig sa impeachment case laban kay Trump.
Ito pa lamang ang ikatlong pagkakataon na naging impeachment court ang Senado sa kasaysayan ng Estados Unidos.