Ipinaaaresto na ng Davao Regional Trial Court si retired SPO3 Arturo Lascañas.
Ang mandamiyento de aresto ay nag-ugat sa reklamong inihain ni Louise Pala, asawa ng pinatay na broadcaster Jun Pala laban kay Lascañas.
Murder at attempted murder ang kasong kinakaharap ni Lascañas dahil sa di umano’y serye ng pag-atakeng ginawa nito kay Jun Pala mula 2002 hanggang 2033 na nauwi rin sa pagkamatay ng broadcaster.
Ang mga kasong inihain laban kay Lascañas ay inaprubahan ng city prosecutors office base base sa naging testimonya ni Lascañas sa imbestigasyon ng Senado.
Nagsilbi anilang extrajudicial confession ni Lascañas ang kanyang testimonya sa Senado kung saan idinetalye nya ang naging papel nya sa tangkang pagpatay at tuluyang pagpatay kay Jun Pala.
Ang iba pang pangalang binanggit ni Lascañas sa kanyang testimonya sa Senado ay hindi kasama sa mga kinasuhan.
Isandaan at dalawampung libong piso (P120,000) sa kada kaso ng frustrated murder ang inirekomendang piyansa kay Lascañas samantalang non-bailable naman ang murder case.
Si Lascañas ay hindi na bumalik ng bansa mula nang magpaalam itong magtungo sa Singapore noong Abril.
By Len Aguirre
Arturo Lascañas ipinaaaresto na kaugnay sa Jun Pala murder case was last modified: June 8th, 2017 by DWIZ 882