Pinayuhan ni Top Rank CEO Bob Arum si Manny Pacquiao na wag nang umasa pa na magkaroon ng rematch kay Floyd Mayweather Jr.
Ginawa ni Arum ang payo kay Pacman nang magkausap sila sa New York.
Nagtungo si Manny ng Amerika para tanggapin ang prestihiyosong 2015 Asia Game Changer Award.
Ayon kay Arum, huwag na umanong habulin pa ni Pacman si Mayweather na nagretiro na rin matapos ang laban noong buwan ng Setyembre.
Pinagsabihan din umano ni Arum ang fighting congressman na mag-move on na lamang at paghandaan ang last fight ng kanyang career bago magretiro sa susunod na taon.
Kabilang sa mga posibleng makalaban at pinagpipilian ni Pacman ay sina Terrence Crawford, rematch kay Timothy Bradley kung sakaling manalo kay Brandon Rios, ang wala pang talo na si Viktor Postol at si Amir Khan.
By Mariboy Ysibido