Kumpiyansa si Top rank CEO Bob Arum na malaki ang kikitain ng pay per view service sa bakbakang Manny Pacquiao at Jesse Vargas sa Nobyembre a-singko.
Ayon kay Arum, hindi usapin ang pagbitaw ng HBO at showtime na tanyag sports networks abroad para sa pay per view service ng naturang laban.
Sinabi ni Arum na kung pagbabasehan ang ticket sales at pagtugon ng fans sa tour ng laban ay tiyak aniyang papatok ang nasabing laban.
Maliban dito, sinabi ni Arum na handang handa na rin ang kampo nina Pacquiao at Vargas para sa nalalapit na salpukan ng dalawang boksingero.
By Ralph Obina