Asahan ang mas mainit na temperatura sa mga susunod na araw, lalo sa umaga hanggang hapon.
Ito, ayon sa PAGASA, ay dahil sa unti-unting paghina ng Northeast Monsoon o Amihan.
Inihayag ni PAGASA senior weather specialist Chris Perez na unti-unting mararamdaman sa Metro Manila ang mainit na panahon maging sa nalalabing bahagi ng bansa.
Dahil anya rito ay posibleng magsimula ngayong linggo o susunod na linggo ang tag-init.
Sa pagtaya ng PAGASA, maglalaro sa 24 hanggang 33 degrees celsius ang temperatura sa Metro Manila ngayong araw; Baguio City, 15 hanggang 25 degrees celsius; Laoag City, 22 hanggang 32 degrees celsius;
Tuguegarao, 23 hanggang 32 degrees celsius; Legazpi City, 24 hanggang 31 degrees celsius; Puerto Princesa City, 25 hanggang 32 degrees celsius at Tagaytay City, 22 hanggang 30 degrees celsius.