Patay ang mag-ina ni retired Police General Ismael Rafanan makaraang ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Capitol Estate II Barangay Batasan Hills Quezon City.
Natagpuang wala nang buhay sa loob ng comfort room si Marilyn Rafanan, 69 na taong gulang samantalang sa second floor naman ng bahay nakita ang labi ng anak niyang si Sarah.
Nagsimula ang sunog dakong alas-7:39 ng umaga at naapula makaraan ang mahigit sa 30 minuto.
By Len Aguirre | Jill Resontoc (Patrol 7)