Bumuhos ang mensahe, dasal at pakikiramay sa aktor na si Andrew Schimmer matapos pumanaw ang kaniyang asawa na si Jho Rovero nito lamang Martes.
Kasunod ito ng Facebook post ni Andrew hinggil sa pagkamatay ng kaniyang asawa na mahigit isang taon nang nakikipaglaban sa sakit na Severe Hypoxemia na nauwi sa ibat-ibang komplikasyon.
Ayon kay Andrew, November 2021 pa naka-confine ang kaniyang asawa sa St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig City kung saan, sinubukan pang i-revive ng mga doctor at nurses ang kaniyang asawa pero wala na itong response.
Kasunod nito ay nagpasalamat si Andrew sa lahat ng mga taong nagdasal at tumulong sa kanila partikular na ang mga kamag-anak, kaibigan, fans at kapwa artista ni Andrew.