Nanawagan ang maybahay ng napaslang na si Haiti President Jovenel Moise sa International Community na tumulong para matukoy ang responsable sa pagpatay sa kanyang mister nitong Hulyo.
Ayon kay dating Haiti First Lady Martine Moise, pinangangambahan niya na kahit may kapangyarihan ang otoridad, mabagal ang progreso ng kaso ng kanyang asawa.
Nakaaresto ng halos tatlong dosenang suspek ang otoridad patungkol sa kaso kabilang ang 18 Columbian mercenaries.
Napaslang si Moise nitong Hulyo 7 sa isang pagsalakay ng mga hinihinalang Mercenaries sa kanilang tahanan.—sa panulat ni Rex Espiritu