“Kung buhay ang kinuha, buhay din ang kapalit.”
Ito ang iginiit ng biyuda ng pulis na kabilang sa nasawi sa pambobomba sa Davao City.
Ayon kay Ellen Adremesin, asawa ni SPO1 Jay Adremesin, nagpamasahe lamang ang kanyang mister habang silang mag-ina ay bumili ng pagkain nang sumabog ang bomba.
Family bonding anya sana nila noong Biyernes ng gabi subalit ito na pala ang kanilang huling pagsasama ng asawa nang masaya.
Aminado si Ellen na kung sumama sila sa mister ay maging silang mag-ina ay napabilang sa mga nasawi.
By: Drew Nacino