Nakaladkad na rin sa kontrobersya sa Bureau of Customs o BOC ang asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio.
Sa pagtatanong ni Senador Antonio Trillanes, kinumpirma ni resigned Customs Director Neil Estrella na dalawang beses niyang nakita si Atty. Manases “Mans” Carpio sa Bureau of Customs, isa dito ay habang palabas sa tanggapan ng Customs Commissioner.
Ayon kay Estrella, blangko siya kung ano ang ginawa ni Carpio sa BOC.
Samantala, nanindigan si Estrella na wala siyang impormasyon kung namasyal ba sa BOC si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na isa sa mga itinuturong kasama Davao Group.
Tiniyak naman ni Trillanes na maghaharap sya ng mga testigong magpapatunay na namamasyal sa BOC sina Duterte at Carpio.
By Len Aguirre / (Ulat ni Cely Bueno)