Umalma ang maybahay ni Golden State Warriors Point Guard Stephen Curry sa pagkakapanalo ng Cleveland Cavaliers sa Game 6 ng NBA Finals.
Sa Tweet ni Ayesha Curry, sinabi nitong dinaya ang Game 6 kung saan nag-all 3 na ang Warriors at Cavaliers.
Ayon kay Ayesha, maaaring para sa pera o ratings ang dahilan ng umano’y pandaraya sa naturang laro.
Nawala na, aniya, ang respeto niya para sa NBA.
Samantala, kumalat na sa social media ang naturang Tweets ni Ayesha bago pa man niya binura ang mga ito.
By: Avee Devierte