Sumakabilang buhay na ang asawa ni dating vice president at TV broadcaster Noli De Castro na si Ginang Arlene De Castro.
Ayon sa anak na si Kat De Castro, yumao ang kanyang ina nitong Sabado ng umaga, Hulyo 31, 2021 sa edad na 66-anyos dahil sa cardiac arrest.
Ipinanganak si arlen noong Abril 18, 1955 sa Cotabato City.
Taong 1981 nang simulan ni Arlene ang kanyang media career sa MBS-4 na ngayo’y PTV 4 at kalauna’y nagsilbing executive producer sa ilalim ng kapamilya network.
Kasunod nito, nagpaabot ng pakikiramay ang mga taong malapit sa pamilya De Castro maging ang pamunuan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Sa ngayon ay patuloy pang inaantabayan ang anunsyo ng pamilya hinggil sa burial service na gagawin sa yumaong ilang ng tahanan ng pamilya De Castro.