Muling ipinakita ni North Korean leader Kim Jong Un ang kanyang asawa na si Ri Sol Ju sa media makalipas ang higit isang taon.
Ito ay nang samahan siya nito na manood sa isang concert nitong nagdaang holiday kasabay ng paggunita sa kaarawan ng pumanaw niyang ama na si dating leader Kim Jong Il.
Batay sa ulat ng Reuters, madalas sinasamahan ni Ri si Kim sa mga public events nito subalit simula nitong Enero 2020 hindi na nakikita ng media si Ri at naging usap-usapang buntis o may sakit ito.
Paliwanag naman ng South Korea’s National Intelligence Service (NIS) mabuti naman ang kalagayan ni Ri at inaalagaan nito ang kanilang anak ni Kim at iniwasan lamang nitong lumabas bilang pag-iingat sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).—sa panulat ni Agustina Nolasco