Nakahandang tumulong sa Pilipinas ang mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kung kakailanganin.
Ito ang pagtitiyak ng ASEAN sa harap ng pananalasa ng Bagyong Ompong.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, mayruon namang nilagdaang kasunduan si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang iba pang pinuno ng ASEAN na bahagi ng “One ASEAN, One Response”.
Sinabi din ni Jalad na hindi magdadalawang isip ang pamahalaan na humingi ng international assistance kung mahihirapan ang pamahalaan sa pagresponde sa posibleng epekto ng malakas na bagyo.