Hindi makikialam ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga.
Ito ang nakasaad sa draft statement ng chairman ng 31st ASEAN Summit, kung saan kinikilala ng rehiyon ang soberenya ng mga bansa na mag-desisyon kung ano ang mga gagawin para resolbahin ang kanilang problema sa iligal na droga.
Batid ng mga pinuno ng asean na hindi lamang ang kanilang mga bansa ang nakakaranas ng problema sa droga.
Kasabay nito, winelcome ng ASEAN member ang tulong ng ASEAN partners para sa pagsawata ng problema sa iligal na droga.
(Ulat ni Jopel Pelenio)