Inalis na ng MMDA ang ASEAN lane sa EDSA southbound kaninang alas dose ng tanghali.
Ayon kay MMDA ASEAN task force head Emmanuel Miro, itinabi na nila sa gilid ang mga hinarang nila noong plastic traffic barriers.
Gayunman, mananatili pa rin anya ang ASEAN lane sa northbound ng Edsa dahil dito dadaan ang mga bisitang tutungo ng Clark Airport palabas ng bansa simula bukas.
Ayon kay Miro, patunay ito na sensitibo sila sa hinaing ng mga motorista na kung maari ay tanggalin na agad ang ASEAN lane sa EDSA.
Mismong si ASEAN security committee head at DILG Officer in Charge Usec Catalino Cuy anya ang nagutos na tanggalin ang ASEAN lane sa EDSA southbound kahit pa may ilan pang mga bisita na namamasyal sa iba’t ibang panig ng Metro Manila gaya sa Greenhills.