Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ASEAN leader na dumadalo sa World Economic Forum sa Cambodia na maging partners para sa positibong pagbabago sa rehiyong Asya.
Sa kanyang talumpati sa nabanggit na aktibidad, inihayag ni Pangulong Duterte na mahalaga ang pagkakaisa para sa hinahangad na pag-unlad sa Asya.
Ang ASEAN anya ay unti-unti ng nakikilala bilang “emerging economic powerhouse“, pang-6 sa may pinaka-malaking ekonomiya at pangatlo sa pinakamalaking consumer base.
Sa kabila ng nakikitang positibong pagsulong ng ASEAN, aminado ang Pangulo na may mga balakid at hamon lalo na sa kinabukasan ng mga kabataan gaya ng iligal na droga at trans-national crimes na nagiging banta rin sa pag-unlad.
Dahil dito, hinimok ni Pangulong Duterte ang sampung (10) ASEAN members na panindigan ang kanilang commitment na maging drug free ASEAN community.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping