Inaasahan na ang sunud-sunod na pagdating ngayong araw na ito ng karamihan sa mga heads of state para sa 30th Association of Southeast Asian Nations Summit.
Kabilang dito sina Indonesian President Joko Widodo, Cambodian Prime Minister Hun Sen, Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-Cha, Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc, Laos President Bounnhang Vorachith at nobel peace prize winner na Myanmar State Counselor na si Aung San Suu Kyi.
Una nang dumating sa bansa sina Malaysian Prime Minister Najib Razak at Brunei Sultan Hassanal Bolkiah.
Sinabi ni ASEAN 2017 National Organizing Council Director General for Operations Ambassador Marciano Paynor, Jr. na tanging si Myanmar President U Htin Kyaw lamang ang pinuno ng bansa na hindi makakarating kayat kakatawanin ito ni democracy icon Suu Kyi.
By Judith Larino
*AP Photo