Nangako ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na magtutulong-tulong para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang naging kasunduan sa ginanap na special foreign ministers’ meeting na ginawa sa Vientiane, Laos na dinaluhan ng mga opisyal ng iba’t-ibang bansa.
Ayon sa DFA, naniniwala ang mga foreign minister na mahalaga ang risk communication at community engagement sa pagharap sa COVID-19.
Nangako ang mga opisyal na mas paiigtingin pa ang kooperasyon sa rehiyon sa pamamagitan ng capacity building, pagbabahagi ng mga impormasyon at epektibong mga pamamaraan at patuloy na pagsisikap kasama ang iba pang mga external partners.
Matatandaang umabot na sa 2,600 ang nasawi habang 79,000 na ang nagkakasakit ng COVID-19 sa buong mundo.