Kinansela ang Association of Southeast Asian Nations Music Festival sa Ayala triangle, Makati, kagabi.
Ito, ayon kay Makati Police Chief, Senior Supt. Gerardo Umayao, ay makaraang himatayin ang ilang nanood dahil sa sobrang siksikan na hindi na na-control ng mga organizer at kawalang disiplina ng mga crowd.
Sa nasabing event magsasama-sama ang iba’t ibang artist mula timog-silangang Asya para mag-perform na libre sanang mapapanood.
Layunin ng ASEAN Music Festival na i-promote ang ASEAN identity at likas na pagka-malikhain ng mga mamamayan ng timog-silangang Asya.
Inorganisa ito ng National Commission for Culture and the Arts at Philippine Educational Theater Association katuwang ang Ayala Land.
SMW: RPE