Mariing kinondena ng 10 bansang miyembro ng Southeast Asian Nations ang reclamation activities ng China sa West Philippine Sea.
Ayon sa ASEAN, nababahala sila sa pagiging agresibo ng China sa pag-angkin sa West Philippine Sea kung saan claimants din ang ilang kasapi nito gaya ng Vietnam, Brunei, Malaysia, at Pilipinas.
Hinamon ng ASEAN ang China na maging totoo sa binitiwang pangako na susunod sa code of cinduct na magkasama nilang bubuuin para matapos na ang nasabing territorial dispute.
Una nang isiniwalat ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario na nagsasagawa ng malakihang reclamation activities ang China sa pinag-aagawang teritoryo.
By Meann Tanbio